Tue. May 21st, 2024

Marami ang masayang napabalik-tanaw sa artista ng pinilakang tabing na si Rosa Rosal matapos ibahagi ng isang netizen ang larawan ng 94-anyos na multi-awardee sa social media.

Ayon sa pagpapakilala ni Gary Quinquito Santos sa Nostalgia Philippines Facebook page, si “Ginang Rosa Rosal” na nilakipan pa niya ng dalawang puso.

Si Florence Danon-Gayda sa tunay na buhay ay mas nakilala bilang si Rosa Rosal. Ipinanganak siya noong 16 Oktubre 1928 at naging artista ng makasaysayang LVN Pictures. Anak niya ang naging sikat ring aktres, model at host na si Toni Rose Gayda.

Nanalo si Rosa bilang pinakamagaling na aktres noong 1957 para sa pelikulang Badjao na idinirehe ng National Artist for Theater & Film na si Lamberto Avellana. Nakasama niya rito si Tony Santos, Leroy Salvador, Jose De Cordova, Vic Silayan, Oscar Keese, Pedro Faustino, Arturo Moran, Tony Dantes, at Gerry Gabaldon.

Noong ika-15 ng Setyembre 2022 ay inilabas ng ABS CBN Film Restoration team ang free streaming ng scanned at enhanced version ng pelikula niyang Badjao.

Isa siyang FAMAS award-winning Filipina film actress na binansagang bilang “original femme fatale of Philippine cinema.” Kilalang-kilala rin siya bilang mahalagang partner ng Philippine Red Cross.

Marami siyang natamong award, kabilang na ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award, ang 1999 Ramon Magsaysay Award at ang Gabay ng Industriya 2022 . Mula 1947 hanggang 1974 ay nasa 40 pelikula ang kanyang nagawa. Bukod sa Kapwa Ko, Mahal Ko ay nagkaroon din siya ng maraming TV performances tulad ng Damayan at Ulila

Pero alam ninyo ba na si Rosa Rosa ay nag-umpisa bilang isang volunteer?

Ayon sa FB page ng Red Cross, sumali sa RC si Rosa Rosal noong 1950 bilang volunteer sa Blood Program nito. Mula noon ay nanatili na siyang isa sa pinakamahalagang kaalyado ng organisasyon.

Naging matibay na haligi rin siya ng Kapwa Ko, Mahal ko — ang public service show na inere ng GMA Network taong 1975.  Originally hosted ni Rosa Rosal ang programang ito kasama sina Orly Mercado at Antonio Talusan. Tumutulong sila sa mga taong nangangailangan ng tulong lalo na sa usaping medikal.

Noon at ngayon, marami pa ring kumikilala at nagbibigay-pugay kay Ms Rosa Rosal at nagdarasal para sa kanyang kalusugan at masayang buhay. Tunay na may ‘heart of gold’, hindi nakapagtatakang may mga nagbansag rin sa kanya bilang ‘Florence Nightingale ng Pilipinas.”

One of my great inspirations since chilhood.

A wonderful person with a big heart❤️❤️❤️We love you po. Maraming salamat po for the inspirations❤️

Kahit matanda na bakas pa rin ang kagandahan ni Miss Rosa Rosal.

An iconic humanitarian, Miss Rosa Rosal. GOD Bless You Always.

Salute to her great contributions in the field of career both in acting and humanitarian services…indeed it was LOVE that enthrones her heart…God bless Madam ROSA ROSAL…

Samantala, panoorin ang video na ibinahagi ng Notable Bio via YouTube:

Binigyang-pugay din siya ng Philippine Post Office noong Pebrero 2022 bilang Outstanding Filipino.

“An extraordinary actress, with multiple best actress awards to her name. She has also gained our respect and admiration for her service to the Filipino people, thru her work with the Philippine Red Cross.”

Panoorin:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *